Entertainment

Ion Perez on Vice Ganda: “Espesyal po siya sa akin.”

Marami ang kinilig sa naging pahayag ni Ion Perez para kay Vice Ganda sa episode ng Gandang Gabi Vice nitong Linggo ng gabi, March 31.

Ang Eerie stars na sina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio ang guests stars ni Vice Ganda para sa nasabing episode.

Si Ion, na mas kilala bilang “Kuya Escort” ng It’s Showtime, at si “Ate Girl” Jackque Gonzaga ay naimbitahan nina Bea at Charo upang magbihis bilang mga multong madre at gulatin si Vice Ganda.

Matapos ang prank, tinanong ni Bea sina Jackque at Ion kung ano ba ang kinatatakutan ng mga ito.

Naunang sumagot si Jackque at sinabing, “Ako, natatakot akong magbago yung lahat. Yung tuluyan ka nang maagaw sa akin.

“Kasi ako naman yung nauna, nilito ka lang niya.”

Naghiwayaw naman ang audience nang sumagot si Ion.

Sabi nito, “Ako po, ang kinatatakutan ko… na matapos kung ano yung meron kami.”

Hindi naman agad nakapag-react si Vice sa naging sagot ni Ion.

Pabirong komento ni Bea, “Bakit parang seryoso na?”

Sa puntong ito, si Charo naman ang nagtanong ng, “Ano bang meron kayo?”

Speechless muli si Vice Ganda sa tanong ng ABS-CBN executive.

Diretso namang sinagot ito ni Ion at sinabing, “Ano po… Espesyal po siya sa akin.”

Marami sa fans ni Vice Ganda ang tila nabitin sa maikling pahayag ni Ion sa GGV, dahil tila marami ang na-cut na bahagi sa interview ni Ion.

Isang bahagi ng programa na hindi umere sa telebisyon ang kasalukuyang nagba-viral sa Twitter kung saan maririnig si Ion na sinasabi kay Vice, “Hindi talaga ako magtatago. Makikita nila kung ano yung nararamdaman ko sa ‘yo.”

Ilang Linggo nang usap-usapan sa social media ang pag-amin diumano nina Vice at Ion sa GGV na sila ay magkarelasyon na.

Noong March 12, Martes, ang taping ng nasabing episode ng GGV.

Sa ngayon, hindi pa pormal na nagbibigay ng pahayag sina Vice Ganda at Ion tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

September 19, 2018 lumabas si Ion sa It’s Showtime habang humahalili sa model na si Greg Hawkins na naunang sumikat bilang Kuya Escort sa “Miss Q&A” segment ng noontime show.

source: pep.ph

Comments

comments



Most Popular



To Top