Social Media

Executive order na lilikha sa emergency hotline 911 isinapubliko na

Isinapubliko na ng Palasyo ang  Executive Order na lilikha sa Emergency Hotline 911 na magsisilbing “National Emergency Answering Point” na papalit sa Patrol 117.

Nakasaad sa Executive Order  56,  kinakailangan nang palitan ang Patrol 117  hotline network  upang makasabay sa international standard na emergency numbers para sa public telecommunication networks.

Sa ilalim din ng E.O. 56, dapat  pag-ibayuhin pa ang public safety service at ang kasalukuyang peace and order mechanism ng bansa.

Pangangasiwaan naman ng D.I.L.G. ang nationwide emergency hotline 911, habang isasailalim   sa national call center ang local  911 na  libre para sa lahat.

Bubuwagin na rin ang Patrol 117 Commission at papalitan  ng Emergency 911 Commission na  pamumunuan ng D.I.L.G.,  habang vice chair  ang D.I.C.T.  at magiging miyembro naman nito ang Office of the President, D.O.J., D.N.D.,  D.S.W.D., D.O.H., D.O.T.R., P.C.O.O., P.N.P., N.T.C., B.F.P. at M.M.D.A.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular


To Top