Uncategorized

De Lima: “May panahon pa kayo para magbago”

Naging emosyonal si Sen. Leila De Lima sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ng kanyang kumprontahin sina Ronnie Dayan at Kerwin Espinosa.

Nauna nang sinabi ni De Lima na hindi niya kakausapin sina Dayan st Espinosa pero hindi niya napigil ang sarili.

“Kayang kayang sabihin ng kahit na sinong abogado na mahina ang inyong mga bintang laban sa akin…gawa-gawa ninyo ang script na yan”, ayon kay De Lima.

Muli ring inulit ni De Lima na hindi niya kakilala si Espinosa at hindi siya tumanggap kailanman ng drug money mula dito.

Halos maiyak si De Lima habang hinahamon ang dalawa na magsabi ng totoo sa Senado at alam umano niyang mabigat ang dahilan kaya siya’y idinidiin ngayon sa illegal drug trade.

Nauna dito ay hinamon din ni De Lima si C/Insp. Jovie Espenido, hepe ng pulista sa Albuera, Leyte na magsabi ng totoo dahil malinaw umano na pati siya ay ginagamit ng ilang grupo para idiin sa kaso ang mambabatas.

“May panginoon tayo na nakakaalam ng totoo, may panahon ka pa para ituwid ang pagkakamali mo”, ayon kay De Lima.

Bilang tugon sinabi ni Espenido na dapat ay patawarin ng panginoon si De Lima.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top