Uncategorized

CBPC, hinimok ang publiko na makiisa sa isasagawang kilos protesta bukas kontra sa Marcos hero’s burial

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko na makiisa sa isasagawang kilos protesta laban sa pagkakalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ito ay upang ipahayag aniya ang kanilang damdamin at hindi pagsang-ayon sa palilibong sa diktador sa nasabing sementeryo.

Ipagpapatuloy ng mga tutol sa hero’s burial ni Marcos ang kilos protesta bukas, araw ng Biyernes sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, head ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, nakikiisa ang Simbahang Katolika sa mga rallyista partikular na sa mga biktima ng Martial Law.

Paghihimok ni Pabillo, dapat magkaisa ang sambayanan na papanagutin ang mga nasa likod kung bakit natuloy ang nasabing paglilibing

Sinabi din ni Pabillo na dapat kasuhan ang Pamilya Marcos dahil sa pagnanakaw ng pera ng taumbayan.

Matatandaang noong nakaraang Biyernes, sikretong inilipat ang mga labi ni Marcos sa Maynila mula sa Batac, Ilocos Norte at inihimlay sa Libingan ng mga Bayani.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top