Uncategorized

Buhay ni Veloso nakadepende sa batas ng Indonesia – Widodo

MANILA, Philippines — Nakadepende ang buhay ng convicted Pinay drug trafficker Mary Jane Veloso sa batas ng Indonesia, ayon mismo sa kanilang Pangulo Joko Widodo.

“I respect the prevailing laws and regulations in Indonesia. Same thing goes for Mary Jane’s case. Indonesia respects the rights of Mary Jane and I know, Mary Jane is also facing cases in the Philippines,” wika ni Widodo sa kaniyang panayam sa “Headstart” ng ANC.

 Nasa death row si Veloso matapos masakote noong Oktubre 2010 dahil sa pagdadala ng 2.6 kilo ng heroin.

Ilang oras bago siya isalang sa firing squad noong Abril 2015 ay nabigyan siyang muli ng palugit kasunod ng pagsuko ng kaniyang mga recruiter.

BASAHIN: Magulang ng bibitaying OFWs, umapela kay Digong

Pinayagan ng korte sa Nueva Ecija si Veloso na tumestigo laban kina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao sa korte ng Indonesia.

Inaasahang pag-uusapan nina Widodo at Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso ni Veloso sa kanilang pagpupulong dito sa Pilipinas para sa 30th Association of Southeast Asian Nations summit.

“The President can also be expected to discuss the situation of Filipino workers in these countries, including the case of Mary Jane Veloso,” pahayag ni presidential spokesperson Ernesto Abella.

Nitong nakaraang taon ay inamin ni Widodo na hinayaan ni Duterte ang Indonesia na ipatupad ang kanilang batas sa mga Pilipinong nasa bingit ng kamatayan.

Binubuhay ngayon sa Kongreso ang parusang kamatayan para sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

source: Pilipino Star Ngayon

Comments

comments



Most Popular


To Top