Uncategorized

Bigtime oil price hike, nakaamba na naman

Bad news sa mga motorista!

May nakaamba na namang bigtime price hike sa mga produktong petrolyo, anumang araw ngayong linggo.

Batay sa oil industry, posibleng pumalo sa P1.40 hanggang P1.60 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

P1.30 hanggang P1.40 naman ang price increase sa bawat litro ng diesel, habang P1.40 hanggang P1.50 ang pagtaas sa halaga ng kada litro ng kerosene.

Nitong mga nakalipas na araw ay nagpatupad na ang mga kumpanya ng langis ng taas-presyo sa gasolina.

Sa ngayon, hinihintay pa ang anunsyo ng mga kumpanya ng langis hinggil sa bigtime oil price hike.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments



Most Popular


To Top