News

Apela ni Rappler Ceo Maria Ressa ibinasura ng Court of Appeals

Pinagtibay ng Court of Appeals ang nauna nitong pasya na ideklarang balido ang pagbawi ng SEC o Securities and Exchange Commission sa business registration ng online media outfit na Rappler at Rappler Holdings Corporation.

Ito ay matapos ibasura ng Court of Appeals ang inihaing motion for reconsideration ng Rappler sa pangunguna ni Maria Ressa noong Agosto.

Sa 25 pahinang resolusyong isinulat ni Court of Appeals Associate Justice Rafael Antonio Santos, kanilang iginiit na wala silang nakitang dahilan para bawiin ang naunang pasya sa reklamo.

Binigyang diin din ng Court of Appeals, walang nilabag ang SEC nang deklara ng ahensiya na hindi fully Filipino owned company ang Rappler Holdings Corporation.

Dagdag pa ng appelate court, dumaan sa tamang proseso ang paghawak ng SEC sa kaso ng Rappler taliwas sa naging alegasyon ni Ressa.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular


To Top