crime

Anti-drug war strategy ng PDEA at PNP, dapat baguhin – Lacson

Anti-drug war strategy ng PDEA at PNP, dapat baguhin - Lacson

Iminungkahi ni Senador Panfilo Lacson na baguhin na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang diskarte nila sa anti-drug war.

Paliwanag ni Lacson, sa ngayon kasi ay nakatuon ang pansin ng mga otoridad sa supply at market reduction.

Dapat aniya ay bago pa lamang ma-distribute sa merkado ang mga ilegal na droga ay napipigil na ito ng mga otoridad.

Kaya naman sa mga big time drug lords, dapat nakatuon ang operasyon ng PDEA at PNP.

Nasasayang lang aniya ang resources ng gobyerno sa kakahuli ng maliliit na personalidad sa illegal drug trade.

Samantala, tutol si Senador Ping Lacson na isapubliko ang pangalan ng mga pulis na nasa narco list.

Giit ng senador, hindi dapat basta-basta ilabas ang pangalan ng sinuman – mapa-pulis, huwes o anumang personalidad – hangga’t walang kasong naisasampa laban sa kanila.

source: radyo pilipinas | ulat ni Nimfa Asuncion

Comments

comments



Most Popular


To Top