Duterte Administration

Aabot sa 80 Opisyal ng Gobyerno iniimbestigahan ngayon ng PACC

Mahigit apat na raang (400) documents at reports ng katiwalian ang natatanggap na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa nakalipas na anim na buwan.

Sinabi ni PACC Commissioner Manuelito Luna na limampu’ siyam (59) dito ay verifiable complaints.

Nasa limampu hanggang walumpung government officials ang iniimbestigahan ngayon ng PACC.

Tumanggi naman si Luna na tukuyin kung sinu-sinong mga opisyal ng gobyerno ang kanilang iniimbestigahan ngayon.

Samantala, hindi na iimbestigahan ng PACC si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan.

Sinabi ni PACC Commissioner Manuelito Luna na “moot” na ang kaso ni Balutan dahil sinibak na ito ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng korupsyon.

Una nang inihayag ni Balutan na nagbitiw siya sa tungkulin dahil sa personal na dahilan.

source: dwiz882am

Comments

comments



Most Popular


To Top