crime

P9.1 Milyong halaga ng Shabu, nakumpiska, Apat Arestado

P9.1 Milyong halaga ng Shabu, nakumpiska, Apat Arestado

Arestado sa isinagawang buybust operation ang apat na katao at nakumpiska ang mahigit nasa isang Kilo ng Shabu na nag kakahalaga ng P9.1 Miyong piso sa Sitio Viking, Barangay Mambaling, Dakbayan sa Sugbo alas 12:30 ng tanghali, Biyernes, Agusto 23, 2019.

Ang apat na suspek ay kinilalang sina, Benerando Avistado Gemperoso Jr. alyas “Junjun”, 27, Joven Avistado Gemperoso, 29, Beverly Gemperoso Medina, 26, at si Regie Logico Medina, 29, na pawang mga residente ng nasabing baranggay.

Nakuha sa apat ang 53 pakete ng shabu na umabot sa kabuuang 1.35 kilos at nag kakahalaga ng 9.1M street value.

Kinasuhan na ang apat ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Photos: SBC

Comments

comments



Most Popular


To Top