Uncategorized

6 Na Mahalagang Benepisyo Ng SIBUYAS Para Sa Iba’t Ibang Karamdaman!

Kadalasang ginagamit ang sibuyas bilang pampalasa sa ating mga pagkain. Hindi maikakaila na kahit mayroon itong matapang na amoy ay mayroon din itong katumbas na benepisyong medikal. Bukod pa rito ay ginagamit ito bilang isang natural na remedyo sa iba’t ibang karamdaman dahil ito ay mayroong antibiotic properties.
Alamin ninyo ang mga mahalangang benepisyong medikal na maaaring makuha sa paggamit ng sibuyas!
1. Pampababa ng masamang kolesterol sa katawan
 Kung ikaw ay may mataas na kolesterol, maaaring isama ang hilaw na sibuyas sa iyong kinakaing salad dahil ito ay nakakatulong sa produksyon ng good cholesterol sa katawan.

2. Ginagamit sa pagsusuka
Noong unang panahon, ginagamit ang katas ng sibuyas at ipinapainom ito sa mga taong nakakaranas ng pagsusuka. Ang sibuyas ay nagtataglay ng mga mineral gaya ng potassium, calcium, iron, phosphorus, manganese, zinc, copper, at iba pang amino acids na nawawala kapag ikaw ay nagsusuka.

 Hiwain ang 1 sibuyas, ilagay sa isang manipis at malinis na tela. Kunin ang katas nito. Inumin ang 2 kutsaritang katas ng sibuyas upang mawala ang pagsusuka.

3. Para sa lagnat
Ang sibuyas ay isang remedyo para sa mga taong may lagnat. Hiwain ang medium sized na sibuyas sa dalawa. Ilagay ang mga ito sa talampakan, pahiran ng coconut oil at magsuot ng medyas. Iwanan ito buong gabi. Nakakatulong ito na iabsorb ang mga toxins sa katawan.

Maaari ring ihalo ang katas ng sibuyas sa honey at inumin ito upang mawala ang lagnat, common colds, at allergies dahil sa taglay nitong antibiotic properties.

4. Para sa ubo
 
Kung nakakaranas ka ng pag-ubo, maaaring hiwain ang sibuyas at kunin ang katas nito. Ihalo ang isang kutsaritang katas ng sibuyas at honey at inumin ito 2 beses sa isang araw. Ang sibuyas ay mayroong antibacterial properties na nakakatulong upang mabawasan ang pagubo at mailabas ang plema.
5. Pampatatag ng buto sa mga babaeng malapit ng magmenopause
 
Ayon sa isang Swiss research, ang isang compound na GPCS na matatagpuan sa mga puting sibuyas ay nakakatulong sa pagiwas ng pagkakaroon ng marupok na buto lalo na sa mga babaeng nasa kanilang menopausal age.
6. Panlaban sa implamasyon at arthritis
 
Ang quercetin na taglay ng sibuyas ay nakakatulong upang maiwasan ang implamasyon sa katawan gaya ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis. Mabisa rin itong remedyo sa mga joint pains.
source: phdailyupdates.com

Comments

comments



Most Popular


To Top