Uncategorized

11 miyembro ng Maute group, patay sa sagupaan sa Butig, Lanao del Sur

Labing isang miyembro ng Maute group ang nasawi sa pakikipagsagupaan sa militar sa Butig, Lanao del Sur kaninag umaga.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, bukod sa labing isang nasawi, sugatan naman ang lima pang miyembro ng nasabing grupo.

Sa panig naman ng militar, dalawang sundalo ang nasugatan sa sagupaan na nagsimula kahapon, araw ng Sabado matapos okupahan ng mga bandido ang inabandonang municipal hall sa Butig.

Napilitang lumikas ang mga residente sa lugar nang magsimulang magpalitan ng putok ng baril ang dalawang panig bandang alas diyes ng umaga ng Sabado.

Nagbabala naman ang AFP na posibleng tumagal ang sagupaan nang isang lingg

sourceDZIQ990AM



Most Popular


To Top